in

Mikee Quintos, pinasaya ang fans sa listening party ng bagong single!

Hindi na makahintay ang fans ng Kapuso star na si Mikee Quintos sa kaniyang unang single entitled ‘Just Enough’ sa bagong sub-label na GMA Playlist na lalabas ngayong Friday, September 24.

Kagabi ay nagkaroon si Mikee ng exclusive listening party kasama ang ilang fans at talaga namang lalo silang na-excite sa latest single ng aktres!

Si Mikee ang kauna-unahang maglalabas ng awitin mula sa GMA Playlist. Sa kaniyang countdown post sa Instagram, obvious na siya mismo ay looking forward na mapakinggan na ito ng lahat, “Too excited to vibe with you all!! 😝#MikeeJustEnough.”