in

Michael V., super fan ni Iron Man

Avid fan ng Marvel Cinematic Universe ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. Madalas din niya sabihin na ang paborito niyang superhero ay si Iron Man.

Pero sa latest vlog nito, naikuwento niya na noon daw ay hindi siya gaanong fan ni Tony Stark, “Originally, hindi ako fan ni Iron Man. Hindi ko kino-collect ‘yung comic book niya kaya konting-konti lang ang alam ko sa history niya. Naging fan lang ako nung nag-simula ‘yung Marvel Cinematic Universe at bago pa lumabas ‘yung Iron Man na movie na parang alam ko na maghi-hit.”

Dagdag ng ‘Bubble Gang’ at ‘Pepito Manaloto’ star, nagandahan siya sa ginawang adjustment sa character flaw ni Tony Stark sa movie, “Kumbaga, kung ikaw si RDJ, parang ang dami mong paghuhugutan. At saka bukod doon, magaling talaga siyang artista. But it turns out, hindi ‘yung pagiging lasenggo ang ginawang character flaw niya sa movie. Ginawa nilang mas napapanahon at mas makabuluhan.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes, nagkaroon ng kaibigang daga sa gitna ng quarantine?

Snooky Serna at Gabby Concepcion, muling mapapanood sa #MPK