in

Mga plantito at plantita, magsasama-sama sa ‘Let’s Plant Happyness’ ng FYE Channel

Usapang urban gardening na siguradong patok sa mga plantito at plantitang Pinoy ang tampok sa pinakabagong pampagoodvibes na programa ng FYE Channel na “Let’s Plant Happyness.”

Napapanood na sa Pinoy community app na kumu tuwing Sabado, 9 am, ang “Let’s Plant Happyness” ay pinangungunahan ng Plant Happyness owner na si Leah Tinoco na nagbabahagi ng kanyang mga kaalaman at tips sa paghahalaman na tiyak na ikakatuwa ng mga manonood.

Samantala, kagigiliwan naman ng sports fans ang bagong online show na “Game, Set, Match” kasama ang sportscaster na si Migs Bustos na napapanood na tuwing Biyernes, 7:30 pm sa kumu. Kaabang-abang ang mga palaban na kwentuhang pang-isports ni Migs kasama ang mga nakatakdang bisita na Pinoy athletes at iba pang kilalang sports personalities.

May usapang pag-ibig ding hatid ang FYE Channel sa pamamagitan ng “Chacha Tonight” na napapanood tuwing Linggo, 6 pm. Pinangungunahan ng paboritong radio personality na si DJ Chacha ang programa na tumututok sa usapang relasyon at nagbibigay ng mga payo para sa mga manononood na may kinakaharap na problema sa puso.

Abangan ang iba’t ibang inspirasyon tungkol sa pagtatanim, sports, at pag-ibig mula sa mga bagong handog na livestream ng FYE Channel. Magdownload na ng kumu app at sundan ang FYE channel @fyechannel.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julie Anne San Jose, relate sa character niya sa ‘Heartful Café’

Award-winning film maker, guest ni Howie Severino sa kanyang podcast