in

Mga Pilipino, sama-samang nag-‘Love Together, Hope Together’ sa Kapuso Christmas SID!

Pinusuan ng maraming manonood at netizens ang Christmas station ID (CSID) ng GMA Network ngayong taon na pinamagatang “Love Together, Hope Together.” Una itong naipalabas noong nakaraang Biyernes, November 12.

Bukod sa TV, mapapanood ang 2021 GMA Network Christmas station ID sa official Facebook at YouTube accounts ng GMA. In less than 24 hours, agad na umabot sa 1M views sa Facebook ang nasabing Kapuso video at umani ng magagandang komento mula sa netizens.

Sabi ng Facebook user na si Cora Sevillano, “As usual basta gawang GMA Network the best yan! Napapanahon, punong-puno ng mensahe na nagbibigay ng inspirasyon sa lahat lalo na sa mga nawawalan ng pagasa at tinamaan ng matitinding pagsubok sa buhay gaya ng pandemya. Tagos sa puso at nagiiwan ng marka.”