in

‘Metamorphosis’ at ‘The Throne,’ nasa VIVAMAX na!

Ngayong Hulyo, humanda sa makapanindig-balahibo at makapigil-hiningang movie experience na hatid sa inyo ng VIVAMAX sa dalawang Korean blockbuster movies na METAMORPHOSIS at THE THRONE.

Sa July 22, harapin ang inyong takot sa star-studded na horror thriller film, METAMORPHOSIS. Ang mag-asawang Gang-goo (Sung Dong-Il) at Myung-Joo (Jang Young-Nam) kasama ang kanilang tatlong anak ay lumipat sa kanilang bagong bahay, ngunit doon nagsimula ang mga kakaiba at nakakatakot na pangyayari sa kanilang pamilya. Hanggang sa ang demonyo ay nagpalit-anyo bilang isa sa kanilang pamilya at sinimulan silang saktan. Dito na tinawag ng kanilang panganay na anak ang kanilang tiyuhin na si Joong-Soo (Bae Sung-Woo), isang Paring Katoliko at nagsasagawa ng exorcism upang tulungan ang pamilya nila na labanan ang demonyo.

At sa July 29 naman, maglakbay sa unang panahon sa sinasabing pinakamalupit na kwento ng Joseon Dynasty sa pelikulang THE THRONE. Sa panahon ng paghahari ni Haring Yeongjo (Song Kang-ho), ito ay ang kwento ng buhay ni Crown Prince Sado (Yoo Ah-in), ang tagapagmana ng trono at sa edad na 27, ay dineklarang hindi karapat-dapat na maging hari. At dahil sa kanyang plano na patayin ang hari, hinatulan siya mismo ng kanyang ama at ikinulong siya sa isang maliit na kahon sa loob ng walong araw. Sa loob ng kahon, nagsimulang makakita nag prinsipe ng iba’t-ibang halusinasyon na lalong nagpalala sa inaakalang sakit niya sa pag-iisip.