in

May hirit sa kanyang debut solo single… ‘Please Na Miss Kita,’ pakiusap ni JC Alcantara

May hirit sa taong nami-miss niya ang breakout actor na si JC Alcantara sa debut solo single niya na “Please Na Miss Kita” mula sa Star Pop label ng ABS-CBN.

Magaan pakinggan ang kanta hindi lang dahil sa swabeng boses ni JC pero dahil na rin sa acoustic pop na tunog nito at mensahe ng kagustuhang makasama uli ang isang espesyal na tao na matagal nang hindi nakikita.

Mismong kapwa Star Pop artist at dating “PBB Otso” housemate na si Jem Macatuno ang nagsulat at nag-compose ng kanta na in-arrange ni Tommy Katigbak at ipinrodyus ni Star Pop label head Rox Santos.

Nito lang nakaraang buwan, pumirma na rin ng kontrata sa Star Magic si JC, na isang RISE artist. Noong May, nagpasiklab naman siya ng acting skills nang gumanap bilang “Tawag ng Tanghalan” season 4 champion na si JM Yosures sa “MMK.”

Bago naging si Mico sa “Hello Stranger,” napanood siya sa isang TV commercial para sa isang fast food chain noong 2016 na nagbukas ng mga oportunidad sa acting para sa kanya, kasama na ang papel na Bogs sa 2018 ABS-CBN serye na “Halik.”

Pawiin ang pagka-miss sa ‘yong special someone at pakinggan ang “Please Miss Na Kita” ni JC sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pagiging updated sa balita, mas pinadali pa ng ABS-CBN News app

‘Diva,’ ang South Korean mystery thriller kung saan masusubok ang katinuan ng isang diving champion