in

Maxine Medina at Dion Ignacio, tampok sa fresh episode ng ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado

Tunghayan ang isang natatanging kuwento ng masalimuot na pag-iibigan na hahamakin ang lahat sa fresh episode ng award-winning drama anthology na ‘Magpakailanman’ na pinamagatang ‘Mahal Kita, Mahal Mo Siya’ ngayong Sabado, June 12.

Parehong nasa magulong relasyon sina Jon (Dion Ignacio) at Anne (Maxine Medina). Si Jon ay mayroong kinakasama na higit na mas bata sa kanya, si Kim (Yvette Sanchez). Habang si Anne naman ay nakatali sa isang lesbian, si Roxy (Arny Ross).

Nang magtagpo ang landas nina Jon at Anne ay hindi maitatago ang pagtingin nila sa isa’t isa. Makalipas ang limang taon ay pagbibigyan ni Anne ang binata pero malalaman ni Jon na nais lang pala siyang kuning sperm donor nila ni Roxy.