in

Max Collins at Nico Antonio, magpapakilig sa ‘#MPK’

Isang nakakakilig na love story sa pagitan ng isang Pinoy at isang Russian ang tampok sa brand new episode ng real life drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, July 24. 

Bibida sa episode ng #MPK na pinamagatang ‘From Russia with Love’ ang kuwento ng mag-asawang Anna at Eric na gagampanan nina Max Collins at Nico Antonio. 

Patok sa mga Pinoy ang vlogs nina Anna at Eric kasama ang kanilang tatlong anak. Pero bago pa man sila naging isang masayang pamilya, nagkakilala ang dalawa sa Amerika.


Abangan ang kanilang naiibang love story sa fresh episode ng #MPK ngayong Sabado, July 24, 8:00 pm sa GMA-7.