in

Matt Lozano, may hugot sa debut single na ‘Walang Pipigil’

Bago sumabak sa karakter niya bilang si Big Bert sa pinakaaabangang live action series na ‘Voltes V: Legacy’, magpapakitang-gilas muna ang Kapuso actor Matt Lozano sa larangan ng musika sa kaniyang debut single na ‘Walang Pipigil.’

Si Matt din mismo ang nagsulat ng kanta na ito sampung taon na ang nakalipas. Inspired daw ito sa kaniyang naging first love. Nais niyang magsilbing inspirasyon ito para sa mga heartbroken ngayon, “I want the audience to understand that there’s hope to every struggle in life.”

Dagdag pa niya, lubos siyang nagpapasalamat sa GMA Music sa pagtitiwala sa kaniyang talento, “I’m so excited to be able to share my voice and passion for playing the guitar. That’s why I’m very thankful to GMA Music for the freedom they gave me when it comes to making music. I’ve been waiting to release ‘Walang Pipigil’ for 10 years now. And I think now is the perfect time to let people hear my music.”