in

Mark Herras at Nicole Donesa, kasal na!

Kilig much ang netizens at fans sa sorpresang anunsyo ng kasal nina Mark Herras at Nicole Donesa kahapon! Naganap ang kanilang civil wedding ceremony noong September 8.

Sabay na inilantad ng dalawa ang kanilang wedding pictures sa Instagram na agad namang inulan ng greetings mula sa kanilang fans at malalapit na kaibigan sa industriya. Ilan sa mga bumati ay ang mga kapwa Kapuso artists na sina Rocco Nacino, Juancho Trivino, Chynna Ortaleza, Shaira Diaz, Yasmien Kurdi, at marami pang iba!

Happily married na at may bonus pang cute na cute na baby boy sina Mark at Nicole! Congratulations, mga Kapuso!