in

Manilyn Reynes at Kitkat, masusubok ang friendship sa ‘Dear Uge’

Tunghayan sina Manilyn Reynes at Kitkat sa nakakaaliw na kuwento ng best friends-turned-rivals sa fresh episode ng award-winning comedy anthology na ‘Dear Uge’ ngayong Linggo, June 13. 

Miyembro ng ’80s “It Girls” trio na Bagirls sina Pipay (Manilyn) at Shonda (Kitkat). At muli silang magtatagpo sa burol ng kanilang ikatlong miyembro. Malayong-malayo sa kanilang image noon, isa nang simpleng maybahay si Pipay habang naadik naman sa pagpaparetoke si Shonda.

Ang dating mag-best friends ay magiging magkaribal nang mabalitaan nilang ipinagkaloob ng kanilang yumaong kamiyembro ang lahat ng kanyang yaman sa pinakakarapat-dapat na Bagirl.