in

Maine Mendoza, mukhang hindi papatalo kay Alden Richards

Inilabas na nga kagabi ng Black Sheep Productions ang official full trailer ng movie ni Maine Mendoza kasama si Carlo Aquino sa movie na ‘Isa Pa With Feelings.’

Umani agad ito ng magandang feedback sa mga netizens na nakapanood na ng full trailer. In fairness naman sa chemistry nina Carlo at Maine na kahit first time lang magsasama sa project ay talagang nakitaan na agad ng click at kilig na parang meron talaga between the two kahit na alam ng lahat na this is just for mvoie lang.

Parang katulad din ng nangyari sa unang pagtatambal nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na talaga namang nagkarecord ng Highest Grossing Pinoy Movie Of All Time.

Marami namang naniniwala na hindi malayong magawa rin ito nina Maine at Carlo lalo na’t inaasahang gagawa ng ingay ang pagtuntong ni Maine sa ABS-CBN for series of promotions at si Carlo sa ‘Eat Bulaga’ at posible pa sa ibang Kapuso shows dahil producer din ang APT Entertainment.

Exciting ang mga pangyayari sa mga susunod na araw!

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Angel Locsin, tatapusin ang huling misyon sa nalalapit na pagwawakas ng ‘The General’s Daughter’

BFFs No More? Bela Padilla at Dani Barretto, hindi na nagfofollow sa isa’t-isa