in

Magkapatid na sina Nathan at Raf, tagumpay sa Secret Task sa ‘PBB Kumunity’

Wagi ang magkapatid na housemates na sina Nathan at Raf Juane sa secret task ni Kuya na itago ang kanilang totoong pagkatao sa kanilang kapwa housemates sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition.

Hindi naging madali ang pagtatago nina Nathan at Raf ng kanilang tunay na pagkakakilanlan dahil ginawang secret investigator ni Kuya si Isabel Laohoo, na nakatulong rin si Seham Daghlas, upang mabunyag ang pag-uugnayan ng magkapatid.

Muntik nang mabigo sa secret task sina Nathan at Raf nang mahuli ni Isabel na parehas sila ng pinupuntahang gym, pero agad nagawan ito ng Paraan ni Nathan, na unang nagpakilala sa ibang housemates bilang “Policarpio.”


Pahayag naman ni Nathan, hindi naging isyu sa pamilya nila ang pagpapakatotoo ni Raf. “What my father would always tell us is the greatest commandment is love,” ani Nathan.

Tuloy-tuloy ang swerte ni Nathan dahil nagamit niya ang kanyang skills bilang piloto upang magtagumpay sa kanilang unang Head of Household hallenge, kung saan nagpalipad ang housemates ng drone.

Samantala, tatlo pang aspiring adult housemates ang ipinakilala sa PBB “Kumulitan” online show. Sila sina Kathleen Agir-Zarandin, “Ang Orphan-along Caregiver ng USA,” Roque Coting, “Ang Salesma-sikap ng Davao,” at Rica Kriemhild, “Ang Dolce Amore Daughter ng Italy.” Sina Kathleen at Roque ay galing sa Online Bahay ni Kuya kung saan nanalo sila bilang Female Kumunity Winner at LGBTQIA+ Kumunity Winner.

Ano pa kaya ang sorpresa ni Kuya ngayong linggo? Kailan kaya papasok sa bahay ni Kuya ang tatlo pang adult housemates? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.