in

Magkakatakutan buong Oktubre sa Cinema One

Ibabandera ng home of Filipino blockbuster movies na Cinema One ang mga nakakatakot at nakakasindak na pelikulang Pinoy para sa pagdiriwang ng Halloween ngayong Oktubre.

Maghanda na sa matinding suspense na hatid ng mga pelikula ng master of scare na si Direk Chito Roño sa C1 Masters tuwing Miyerkules, 9 pm. Mapapanood ang “The Healing” ni Vilma Santos sa October 6, “T2” na pinagbibidahan ni Maricel Soriano sa October 13, “The Ghost Bride” ni Kim Chiu sa October 20, at “Sukob” kasama sina Claudine Barretto at Kris Aquino sa October 27.

Balikan naman ang ilan sa nakakasindak na 90s Pinoys movies sa Thursday Horror tuwing Huwebes, 9pm. Mapapanood ang “Impakto” sa October 7, “Multo in the City” sa October 14, “Takbo, Talon, Tili” sa October 21, at “Sa Piling ng Aswang” sa October 28.


‘Wag palampasin ang horror fest sa Cinema One, na mapapanood sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Cinema One sa Facebook at sundan ang @c1nemaone sa Twitter at @cinemaonechannel sa Instagram.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.