in

Lovi Poe at Rhian Ramos, may inihandang performances sa Bayanihan Musikahan

Nagpakitang-gilas ang mga nag-gagandahang Kapuso actresses na sina Lovi Poe at Rhian Ramos sa sumunod na session ng ‘Bayanihan Musikahan’ para sa mga online viewers na live napanood sa Facebook noong Huwebes, 9:15 PM.

Magsisilbi rin itong fundraising event para sa mga urban poor families na apektado ng krisis na pinagdadaanan ng bansa ngayon na may COVID-19 pandemic. Katuwang ng GMA ang Philippine Business for Social Progress, Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid, Likhaan, at Caritas Manila sa event na ito.

Maaaring mag-donate ang mga manonood sa pamamagitan ng bank transfers at iba pang virtual wallets.



Nag-perform ang dalawa ng mga kantang makapag-bibigay ng pag-asa at inspirasyon para sa mga Pilipino, lalo na ngayon na may hinaharap tayong krisis pangkalusugan.

Nagpapasalamat naman sila sa lahat ng nakiisa at nagpa-abot ng tulong!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Derrick Monasterio, ibinahagi ang mga pinagkakaabalahan ngayong quarantine

Kris Bernal, may life lessons na natutunan ngayong quarantine