in

LOOK: Kapuso stars, nagpapabakuna na!

Nagsimula na ang vaccination program para sa A4 category o iyong mga kabilang sa nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan kagaya na lang mga nasa entertainment industry.

Kasabay nito ay parami na rin nang parami ang Kapuso personalities na nabakunahan na kontra COVID-19 kagaya na lang nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Aiai delas Alas, Glaiza de Castro, Drew Arellano, Iya Villania, Wendell Ramos, Mike Tan, Suzi Entrata-Abrera, at Boobay.

Magandang halimbawa na makita ang pagpapabakuna na ito ng mga artista upang mahikayat ang ilang nag-aalinlangan pang magpabakuna o ‘di kaya’y wala pang sapat na kaalaman sa vaccination procedures sa kani-kanilang lungsod.

Sa katunayan ay natuwa rin ang netizens na makita ang ilang celebrities na nagpapabukana lalo pa at hindi lang ito para protektahan ang kanilang sarili sa coronavirus kundi makakatulong din pati na sa kaligtasan ng karamihan.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Network badtrip pala sa “problematic” na all-male group kaya hindi binibigyan ng projects?

‘Family History,’ regalo ng GMA Network sa Father’s Day