in

LJ Reyes, laking pasasalamat sa pagpapasaya ng bunsong si Summer

Punung-puno ng kasiyahan ang tahanan ng Kapuso stars na sina LJ Reyes at Paolo Contis dahil sa aliw na ibinibigay ng kanilang mga anak.

Kamakailan lang, nag-post si LJ ng nakakatuwang video ng kanilang bunso na si Summer sa Instagram at dito, pinasalamatan niya ang bata para sa nadudulot nitong  kakaibang energy sa kanila, “You make me, Papa and Ahya Aki so happy! Filling our home with laughter and so much love in this difficult time!”

Mukhang manang-mana sa kaniyang ama si Summer sa husay nito sa harap ng kamera at pagiging bibo! Marami ring fans at netizens ang nakakakuha ng good vibes mula sa mga ina-upload na kulitan moments ni Paolo online kasama ang anak. 



Samantala, patuloy naman sa pagkalap ng donations si LJ para sa mga apektado ng COVID-19 kasama ang iba pang Kapuso moms habang si Paolo naman ay abala sa bago niyang YouTube channel at sa ‘YouLOL.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

DenJen, sasabak sa ‘Bayanihan Musikahan’

Kyline Alcantara, may plano na para sa debut?