in

‘Legends of Dawn: The Sacred Stone’ ng Mobile Legends, mapapanood sa Kapamilya Channel at A2Z

Maaaksyong adventures, nakakatuwang paglalakbay, at mahahalagang aral ang hatid ng ABS-CBN sa viewers ng Kapamilya Channel at A2Z sa pagpapalabas ng inaabangang “Legends of Dawn: The Sacred Stone,” ang pinakaunang animated series mula sa Mobile Legends: Bang Bang, ang isa sa pinakasikat na mobile games sa buong mundo.

Mapapanood na ang Filipino-dubbed episodes nito simula Linggo (Setyembre 19), 7 PM sa parehong Kapamilya Channel at A2Z bilang bahagi ng partnership ng ABS-CBN sa Moonton, ang developer ng Mobile Legends.

Mae-enjoy ng mga bata at kids-at-heart ang pakikipagsapalaran ni Claude kasama ang iba pang legendary heroes sa serye para mabawi ang Sacred Stone.


Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.