in

Lani Misalucha, mapapanood nang muli sa ‘The Clash’ Season 4!

Magbabalik bilang judge sa papalapit na fourth season ng original musical competition ng GMA Network na ‘The Clash’ si Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Masayang ibinahagi ni Lani sa Unang Hirit barkada na muli siyang babalik bilang judge sa well-loved singing competition, “Mabuti naman ang kalagayan ko, pati na rin ang husband ko. Okay naman kami pero, siyempre, tulad nung kasabihan na kapag binagyo ka, medyo may iniwang damage ‘yung bagyo. Parang ganon ang nangyari sa amin.”

Matatandaan na kinailangang huminto ni Lani bilang judge last season. Ayon kay Lani, nagkaroon siya ng bacterial meningitis kaya ilang araw din siyang na-confine sa ICU ng isang ospital.