in

KZ Tandingan tampok sa New York Times Square Billboard

Bumida ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan sa isang prominenteng billboard na makikita sa Times Square sa New York City.

“My heart is full. I don’t know what I did to deserve these people, achievements, and moments but I am grateful, Lord,” masayang mensahe ni KZ sa kanyang Instagram post tampok ang ilang larawan kasama na ang kuha mula sa Times Square para sa Spotify EQUAL Global Playlist. “When I find myself doubting the path and questioning my abilities, I will look at these photos to remember that Your plans are always greater than mine.”

Unang nakita noong Nobyembre 16, ang Spotify EQUAL feature ay nagtatampok sa female artists mula sa iba’t ibang bansa para mas makilala pa ang kanilang musika. Dahil sa bagong single ni KZ na “11:59,” napiling cover artist ang Kapamilya artist para sa Spotify Philippines EQUAL playlist ngayong buwan ng Nobyembre.