in

KZ Tandingan, naglabas ng tagos-pusong bersyon ng ‘Have Yourself a Merry Little Christmas’

May nakakaantig na rendisyon ng “Have Yourself a Merry Little Christmas” si KZ Tandingan mula Tarsier Records na swak para sa mga excited na para sa kapaskuhan taglay ang kanyang hiling na saya para sa lahat.

Sorpresa ini-release ng Kapamilya artist ang awitin nitong Huwebes (Disyembre 16) na magbabalik ng mga alaala at mas magpapasigla pa ng paligid lalo na para sa mga hindi pa rin ramdam ang nalalapit na selebrasyon ng Pasko.

Maririnig sa interpretasyon ng “Asia’s Soul Supreme” ang stripped down na bersyon ng kanta at ang piano instrumental hatid ni Jem Florendo na siguradong kukurot sa puso ng mga makakarinig nito.

Unang ipinerform ng American actress-singer na si Judy Garland ang “Have Yourself a Merry Little Christmas” para sa 1944 musical film na “Meet Me in St. Louis.” Ilan pa sa mga gumawa na rin ng sarili nilang bersyon ng kanta sina Michael Bublé, Josh Groban, John Legend, Christina Aguilera, at Sam Smith.

Ito rin ang ikalawang kantang ini-release ni KZ sa ilalim ng Tarsier Records matapos ang unang international single niya na “11:59,” na naging dahilan para maging spotlight artist siya ng EQUAL Philippines playlist ng Spotify nitong Nobyembre at para na rin magkaroon siya ng billboard feature sa New York Times Square.

Yakapin na ang masayang pagdiriwang ng Pasko at pakinggan ang “Have Yourself a Merry Little Christmas” ni KZ sa iba’t ibang various digital music platforms. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa mga social media accounts nito @tarsierrecords.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘MYX and Match’ Season 2 mapapanood na sa Tiktok Live simula December 17

‘PBB,’ DonBelle, Vice Ganda, at iba pang Kapamilya, wagi sa RAWR Awards 2021