in

Kyline Alcantara, pina-wow ang netizens sa husay sa pagkanta

Muling ipinamalas ni Kapuso singer-actress Kyline Alcantara ang kanyang husay sa pagkanta sa kanyang recent cover ng hit song na “Ngiti.” 

Pinusuan ng netizens ang cover ni Kyline sa kanyang Instagram at nag-request pa ng mga kanta na pwedeng niyang awitin. 

Abala ngayon si Kyline sa paggawa ng content para sa kanyang YouTube channel. At habang hindi pa siya nagbabalik-taping para sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit, napapanood si Kyline sa rerun ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad at fresh episodes ng All-Out Sundays tuwing Linggo. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pelikula ni Janine Gutierrez, may US debut

Viewers, kinikilig sa Tagalized Thai series na ‘Come to Me’ Sa iWant