in

Kumu streamer na si J Scott, may debut single na!

Mula sa pagiging kumu streamer, pinasok na rin ng bagong talent na si J Scott ang mundo ng recording sa debut single niyang “Grown Up Man,” na ini-release ng Old School Records ng ABS-CBN.

Baguhan lang sa music scene si J Scott na nadiskubre mismo ni Old School Records label head Kikx Salazar mula sa isang live streaming session niya sa Pinoy community platform na kumu.

“At first hindi ko siya kilala, tapos sabi niya kantahin ko raw ‘yung ‘Akin Ka Na Lang,’ go lang ako nang go kahit mataas, sinubukan ko. Tapos sabi niya tingnan ko raw sino ang nag-compose, nagkagulutan kami. Dun na nag-start, sabi niya collab tayo soon, tapos nagtuloy tuloy na,” aniya sa isang MYXclusive interview.


Samantala, binati naman si J Scott ng mga nakarinig na ng kanta niya sa YouTube. “Ganda bro! I just listened to it. More success to you,” comment ni Jake Seneres.

“Ganda ng music… Love you Jason Scott,” ani tinsk algabz.

Kahit na newbie pa, nagsimula na rin si J Scott na magkaroon ng solid presence sa social media sites gaya ng TikTok (58.8K followers) at kumu (16.88K followers).

Pakinggan ang single ni J Scott na “Grown Up Man” sa iba’t ibang digital music services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Old School Records sa Facebook, Twitter, at Instagram.