in

Kris Bernal, pinapahalagahan ang health at safety ng kanyang staff

Sa kabila ng pagbubukas ng ilang mga negosyo ngayong pinapatupad na ang general community quarantine sa Metro Manila, nagdesisyon pa rin si Kapuso actress Kris Bernal na hindi muna buksan ang kanyang restaurant.

Sa panayam ni Arra San Agustin para sa episode ng ‘Taste MNL,’ ibinahagi ni Kris na hindi pa open for dine in ang kanyang Korean restaurant na ‘House of Gogi.’

Aniya, “Hindi ko pa binuksan kasi hindi ko pa kaya talaga. Parang ang laki ng risk. Gusto kong protektahan ang staff ko, hindi lang naman ‘yung kumita ka ng pera, kumita ka from your business. Mas importante pa rin yung health and safety ng lahat. Gusto ko yung mas makakatulong ako to flatten the curve kapag hindi ako nag-dine in.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe, hanga sa Kapuso shows na may temang “women empowerment”

Willie Revillame, may mensahe para kay Michael V.