in

Khalil Ramos, pangarap makatrabaho si Dingdong Dantes

Opisyal nang Kapuso si Khalil Ramos matapos siyang i-welcome kahapon sa naganap na contract signing event with GMA Artist Center. 

Nang tanungin siya kung sino ang pinapangarap niyang maka-eksena na Kapuso star bukod sa nobyang si Gabbi Garcia, ibinunyag niya na big fan daw siya ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at sana nga raw ay magkatrabaho sila soon.

“He’s someone that I super look up to as an actor, if given the chance again, gusto kong makatrabaho si Kuya Dingdong Dantes because he is a well-respected and celebrated actor. I’m a fan of his work and kung sa future mayroong project in line na may chance akong makatrabaho siya, I would definitely take on that chance so let’s pray for that project!”



Inulan din ng positive comments mula sa netizens ang pagiging Kapuso ni Khalil at nag-trend pa ang hashtag na #WelcomeKapusongKhalil sa social media. Sey ng isang fan, excited itong makita sa TV sina Gabbi at Khalil together, “Yeheyyyy! Welcome to GMA kuya @khalilramos looking forward for a project with ate @gabbi hihi! My #GabLil heart!”

Maraming dapat abangan kay Khalil sa kanyang bagong home network at sasalang na rin siya sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays.’ Congratulations, Khalil!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

XOXO, excited na sa kanilang first music video  

Cassy Legaspi, excited at kinakabahan sa lock-in taping