in

Ken Chan, may nakakakilig na birthday post para kay Rita Daniela

Isang nakakakilig na birthday greeting ang ipinaabot ni Ken Chan para sa kanyang Kapuso love team na si Rita Daniela sa Instagram. 

“You’ve always been there for me, through tears and fears you never forsake me. You’ve been my loyal supporter and you always saw the best in me,” lahad ni Ken sa caption kalakip ng isang montage na naglalaman ng cute videos ng aktres na kuha mula sa set ng One of the Baes at ng upcoming movie nila na My First and Always. 
 
Dagdag pa niya, “You’ve been a blessing in my life and I am grateful from up above. Happy Birthday to you my Choy @missritadaniela! I pray that God will grant you the desires of your heart.”
 
Samantala, inaabangan na rin ang kanilang pelikula na My First and Always kung saan isang seminaristang malapit nang maging pari ang role ni Ken at isang babaeng bar singer naman si Rita. 
 
Makakasama nila sa pelikula sina Lotlot de Leon, Richard Yap, John Gabriel, at Bryan Benedict, sa ilalim ng produksyon ng Heaven’s Best Entertainment at sa direksyon ni Louie Ignacio.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Jennylyn Mercado at Direk Dom Zapata, tinanggap ang award ng DOTS Ph

Matt Lozano, prayoridad ang pag-disinfect ng bahay matapos gumaling sa COVID-19