in

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, magbabalik-telebisyon sa ‘2G2BT’

Mangyayari na ang pinaka-iintay na pagbabalik-telebisyon ng premiere loveteam ng bansa at box-office royalties na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa romantic-drama series “2G2BT,” kasabay ng kanilang pagdiriwang ng ika-sampu nilang taong anibersaryo bilang magka-loveteam.

Matapos nila bumida sa mga hit seryeng “Got 2 Believe,” “Pangako Sa ‘Yo,” at “La Luna Sangre,” muling masisilayan ng fans ang galing ng dalawa sa pag-arte sa isang bagong obrang tiyak na mahahalin ng manonood.

Isa ang “2G2BT” sa mga surpresang handog nina Kathryn at Daniel sa kanilang fans para sa ika-sampu nilang anibersaryo matapos sila naglabas ng doksyu noong weekend kung saan inalala nila lahat ng kanilang napagtagumpayan sa nakalipas na dekada at kanilang pagbabalik-tanaw kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Samantala, mamarkahan din ng serye ang reunion ng KathNiel kay Direk Mae Cruz Alviar na dating nagsama sa blockbuster films na “Crazy Beautiful You” at “Can’t Help Falling In Love.”

Sa ilalim ng produksyon ng RGE unit ng ABS-CBN Entertainment, isa na namang hindi malilimutang kuwento ang mapapanood ng mga Kapamilya at susunod sa mga naging matagumpay at dekalibreng mga serye ng produksyon katulad ng “Bagong Umaga,” “Ipaglaban Mo,” “Nang Ngumiti Ang Langit” at “Pamilya Ko.”

Abangan ang bagong seryeng pupukaw sa atensyon ng mga manonood malapit na sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC.

Para sa updates, sundan lamang ang RGE Unit sa Facebook (RGE Drama Unit), Twitter (@rgeunit), at Instagram (rgeunit) at ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Robi Domingo at Aya Fernandez, nagbilin sa mga kabataan ukol sa pagboto sa Halalan

Bagong pambato ng bansa sa Miss Universe, makikilala na sa Setyembre 30 sa KTX.PH