in

KathNiel isang dekada nang nagpapakilig, ‘She’s Dating The Gangster’ gagawing libre ng Star Cinema sa YouTube

Sisimulan na ng Star Cinema ang pagdiriwang ng sampung taong pagbibigay-saya at kilig ng love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa libreng pagpapalabas ng “She’s Dating the Gangster” at premiere ng “Secret Movie Files” tampok ang KathNiel sa YouTube.

Sabay na mapapanood ng fans sa ABS-CBN Star Cinema YouTube channel ngayong Linggo (Agosto 15), 2 PM ang “She’s Dating the Gangster” at ang tatlo sa pitong KathNiel episodes ng “Secret Movie Files” kung saan ipinapaliwanag nila kung paano nabuo at kinunan ang mahahalagang eksena sa pelikula.

Ang “Secret Movie Files” ang isa sa exciting na “Made for Youtube” titles na kabilang sa bagong “Kapamilya YOUniverse,” ang pagsama-sama ng paboritong YouTube channels ng ABS-CBN na Star Cinema, Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, at ABS-CBN Entertainment para maghatid ng mga programa, musika, pelikula, at balita.


Huwag palampasin ang ang libreng panonood ng “She’s Dating the Gangster” at “Secret Movie Files” sa ABS-CBN Star Cinema YouTube channel ngayong Linggo (Agosto 15) ng 2 PM. Ipapalabas naman ang natitirang apat na KathNiel episodes sa “Secret Movie Files” ngayong Agosto 22 at 29.

Tumuloy na sa Kapamilya YOUniverse sa YouTube at mag-subscribe sa ABS-CBN Star Cinema, ABS-CBN Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, at ABS-CBN Entertainment.

-30-