in

Karen Davila returns to ‘TV Patrol,’ Pia Gutierrez joins ‘The World Tonight’

Magbabalik ang multi-awarded broadcast journalist na si Karen Davila bilang isa sa mga anchor ng “TV Patrol” simula Lunes (Oktubre 11) para mas palakasin ang misyon ng newscast na maglingkod sa mga Pilipino saan man sila sa mundo.  

Sina Karen at ang kapwa batikang news anchors na sina Henry Omaga-Diaz at Bernadette Sembrano-Aguinaldo ang mangunguna sa flagship newscast ng ABS-CBN na 34 taon nang naglilingkod at naghahatid ng balita at impormasyong mahalaga sa bawat Pilipino lalo na sa kritikal na panahon ngayon. 

Unang naging bahagi ng newscast si Karen noong 2004 hanggang 2010. Kabilang din dati ang kasalukuyang anchor ng “Headstart” sa ANC sa late night newscast ng ABS-CBN na “Bandila” bago ang broadcast shutdown noong 2020. 


Tutukan din ang “The World Tonight” nina Tony Velasquez at Pia Gutierrez tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9 pm sa ANC at 10:40 pm sa Kapamilya Channel at napapanood rin sa iWantTFC, TFC, at iba pang ABS-CBN News digital platforms.