in

Kanta ni Golden Cañedo, OST ng bagong Kapuso serye na ‘To Have And To Hold’

Tampok sa upcoming GMA primetime series na ‘To Have And To Hold’ ang kanta ni The Clash Season 1 Grand Champion Golden Cañedo na ‘More Than Before.’

Nauna nang napakinggan ang naturang single ni Golden taong 2019. Komposiyon ito ng tanyag na Filipino composer na si Vehnee Saturno kasama rin si Tito Cayamanda.

Si Golden din ang boses sa likod ng ilan pang sikat na original soundtracks ng Kapuso shows na Magpakailanman, Prima Donnas, Kara Mia, at Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday.