in

Kanishia, may sagot sa mga bully sa bagong single na ‘Never Feel Pretty’

May bwelta sa mga bully na mahilig mangutya ng iba ang Star Pop talent na si Kanishia sa bago niyang single na “Never Feel Pretty.”

Mensahe ng kanta na malaki ang kaibahan ng pagiging ‘self-empowered’ at pambu-bully ng iba, at ibinibida rin ang halaga ng pagkakaroon ng magandang panlabas at panloob na anyo.

Ani Kanishia, inspired ang kanta sa mga ‘vain’ at ‘insecure’ na palaging ibinababa ang iba. “Pwede nilang pagandahin ang sarili nila sa pisikal pero hangga’t masama ang asal nila sa ibang tao, hindi talaga sila magiging tunay na maganda.”


https://www.youtube.com/watch?v=eRnizuiETtI

Si Kanishia ay 20-anyos na artist ng Star Pop na marunong umarte, kumanta, at sumayaw mula sa experience niya simula pa noong bata siya at sa pagsali niya sa mga school theater productions. Inilabas niya noong 2020 ang debut single niyang “A Little Taste of Danger.”

Ilabas ang inner beauty at pakinggan ang “Never Feel Pretty” ni Kanishia sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, at iba pang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).