in

Kaladkaren, pumalag sa netizen na pumansin ng kanyang boobelya

  • KaladKaren, pinalagan ang isang netizen sa Twitter matapos magcomment sa suot nito kapag nagwowork-out
  • Kanyang ipinahayag na walang makakapigil sa kanya sa damit na kanyang gustong suotin
  • Mahalaga kay Jervi ang pagpapakatotoo sa sarili.

Kamakailan lang ay inannounce ni Jervi Li o mas kilala bilang si ‘KaladKaren’ na siya ay finally engaged na sa kanyang long time boyfriend na si Luke Wrightson. Kitang-kita ang to the highest na saya niya sa naging proposal sa gitna ng pandemya.

“OMG!!! After 8 years, we are ENGAGED! HUHUHUHU Na-add to cart ko na… in my life,” she said.

Ngunit sa kabila ng napakahappy announcement, may mga bagay na hindi pa rin mapipigilan lalo na ang mga comments ng ilang netizens. Ang isa nga ay nagcomment pa sa kanyang Instagram account ng “Always displaying boobs while working out” at hindi ito nagustuhan ni Kaladkaren dahil lang sa kanyang suot habang nagwowork-out.

Bwelta ni Kaladkaren sa comment ng netizen, “Hi, thank you for noticing. I would just like to remind you that my boobs are none of your business.”

Kanya ring ipinahayag na walang makakapagpigil sa kanya sa damit na kanyang gustong suotin. Para kay Jervi, mahalaga sa kanya ang pagpapakatotoo sa sarili.

“Also, I will wear whatever I want to wear. I will be WHO I A even it makes others comfortable.”

Sa kanyang comment section, nakuha naman ni Jervi ang suporta ng mga netizens at ang iba ay nagsuggest pa sa kung ano ba dapat suotin kapag magwork-out.

Nagsimulang sumikat si Jervi sa entertainment industry after iimpersonate ang broadcast journalist na si Karen Davila sa satirical UP show. Isa rin siyang TV host sa ilang ABS-CBN shows tulad ng ‘The Voice of the Philippines’ at naging bahagi rin siya ‘I Can See Your Voice.’

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kakai Bautista, Kayla Rivera, Elmo Magalona, Arkin Magalona, Katrina Velarde, at Candy Pangilinan, makiki-chika ‘Chika, Besh!’

Cassy Legaspi, nagkuwento kung paano naghahanda para sa kanyang upcoming role sa ‘First Yaya’