in

Julie Anne San Jose, wagi sa MPS Online Awards 2020

Napabilib ang netizens sa performances nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, internationally-acclaimed singing sensation Aicelle Santos, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa online fundraising concert series na “Bayanihan Musikahan” noong Biyernes, May 29. 

Samantala, nagwagi naman ng dalawang major awards si Julie sa MPS Online Awards 2020. Nanalo ang Kapuso singer ng Favorite Mellow Song para sa kanyang single na “Regrets” matapos makakuha ng 57% ng mga boto.

Itinanghal din siyang Favorite Female OPM Artist matapos makuha ang 48% ng total votes. Ang MPS Online Awards o MOA ay isang online awards ng music chart page na Most Played Songs upang bigyang parangal ang mga artistang namamayagpag sa OPM at sa international music scene.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe, may payo sa kapwa runners ngayong may pandemic

Dingdong Dantes at anak na si Zia, nagkaroon ng jamming session