in

Julie Anne San Jose, spotted sa billboard sa Times Square, New York!

Talaga namang world class ang talento ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose at recently nga ay spotted siya sa isang malaking billboard sa Times Square, New York.

Si Julie ang cover artist para sa EQUAL Philippines Playlist ng international streaming platform na Spotify.

Proud na proud na ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram na agad inulan ng positive feedback at comments mula sa fans at mga kaibigan, “TIMES SQUARE, NEW YORK BABYYYY!!! Just.. SURREAL. Big thank you @spotify! This is a dream come true!”