in

Julie Anne San Jose, may patikim para sa bagong single!

Mukhang very inspired ngayon ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa kaniyang music career dahil may isa na naman siyang upcoming single na pinamagatang “Try Love Again.”

May patikim ang multi-awarded singer at songwriter sa kanyang Instagram post tungkol dito na “new track,” kasama ang litrato ng magiging single cover.

Dahil dito, na-excite muli ang fans ni Julie na laging nakaabang sa mga ganap niya at miss na miss nang makita siya. Buti na lang at hindi siya nauubusan ng mga regalong ihahandog sa mga walang sawang sumusuporta sa kaniya. Excited na rin kami mapakinggan ang bago mong kanta, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Arra San Agustin, sinuportahan ang negosyo ng mga seafarer

Alden Richards at Janine Gutierrez, nominado sa 43rd Gawad Urian