in ,

Julie Anne San Jose, limitless ang projects!

Very active ang career ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose. Bukod sa regular show niyang All-Out Sundays at The Clash, ang musical narrative series sa isang streaming platform, at iba pang collaboration, nariyan din ang second leg ng kanyang “Limitless: A Musical Trilogy” na mapapanood online ngayong November 20!

Matatandaang umani ng papuri ang first part ng Limitless na “Breathe.” Bukod kasi sa undeniable talent ni Julie sa pagkanta at pagtugtog ng musical instrument, talaga namang para kang nakahinga nang maluwag sa ganda ng mga tanawin na binisita ni Julie sa Mindanao. Kaya nga winner talaga yung mga nakapanood dahil para na rin silang bumiyahe kasama ni Julie.

Para sa second leg ng Limitless, may temang “Heal” naman ang musical journey ni Julie. Dadalhin naman niya ang concert viewers sa iba’t ibang lugar sa Visayas at sasamahan niya tayong mag “heal.” Say nga ni Julie sa kanyang post sa social media, “Taking a breath is always the first step. We pause. But after that, comes the harder part. We confront. We acknowledge. This is how we heal. Join me as our journey continues, this November 20! See you in Part II: HEAL.”

Naku, see you talaga sa November 20! Kaya sa mga wala pang tickets, buy na sa gmanetwork.com/synergy.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Enchong Dee, Coco Martin, Anne Curtis, Dimples Romana, at Angel Locsin tampok sa ika-30 anibersaryo ng ‘MMK’

Kapamilya Stars, may mahalagang paalala sa mga Pilipino ngayong pandemya