in

Julie Anne San Jose, hinangaan sa pagmu-move on sa lovelife

Marami sa fans ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang tinatawag siyang “the patron saint of moving on.” Sa isang interview niya para sa bagong single na ‘Better,’ ipinaliwanag ni Julie ang kaniyang mga ginawa para maka-get over noon mula sa isang heartbreak.

Kuwento niya, “Iba-ibang paraan naman ang tao para maka-move on ‘di ba? For me, what I did was madali kasi ako maka-move on. I don’t know. Since mako-consider din ‘yung medyo preoccupied din ako with other stuff, like busy rin ako sa work at sa iba kong ginagawa. I keep myself productive at home and then I go out with friends, so nandoon ‘yung support din from the people who really love me.”

Sa ngayon ay nananatiling single si Julie at nakafocus muna sa kaniyang showbiz at music careers. Samantala, extended ang online auditions ng Season 3 ng ‘The Clash’ kung saan si Julie ay isa sa main hosts.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Juancho Triviño at Joyce Pring, naging magka-puso dahil sa Kapuso Network