in

Jose Mari Chan, may regalo para kay Paolo Contis at sa kanyang ina

Nauwi sa isang nakaka-touch na pag-alala sa ama ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang kanilang kumustahan ni Jose Mari Chan sa GMA Artist Center online show na Just In. 


 
Tinanong ng tinaguriang Father of Philippine Christmas Music si Paolo kung saan nagmula ang apelyido nitong Contis.
 
Sagot ni Paolo, “My father was Italian, sir.”
 
Ibinahagi rin ni Paolo na pumanaw ang kanyang ama sa edad na 66 years old. “66, he had cancer. He had a good fight. He fought for 8 years.”
 
Pagkatapos marinig ang istorya ni Paolo, nagsabi si Jose na may ipadadala siyang regalo para sa kanya at kanyang ina.
 
Aniya, “Paolo, this is what I am gonna do for you and your mom. I am going to put together maybe two or three CDs of my favorite canzone, Italian songs. I will give that to you and I want you to invite your mom, while you’re having dinner while you’re together, play all those songs in memory of your late father.”
 
“Thank you! She would love it! Kinikilig ako!,” sagot ni Paolo. 
 
Samantala, ngayong September 23, ang Just In host na si Vaness Del Moral naman ay makaka-bonding online si Jessica Rodriguez-Bunevacz. 
Ano na nga ba ang pinagkakaabalahan ni Jessica at kumusta ang kanyang buhay sa new normal? 
 
Abangan ito ngayong September 23, 8pm sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Kapuso artists, pwede nang maka-chat sa Viber?

‘Starstruck 7’ avenger Ella Cristofani, makikipagdate online