in

Jona, Zephanie Maranan, Angela Ken, Trisha Denise at iba pa, naghahatid ng pag-asa ngayong Pasko sa bagong kanta

Nagsanib pwersa ang mga singer na sina Jona, Zephanie, Angela Ken, Trisha Denise, Tim Pavino, Charmaine and Dennis Campañer, Neo Rivera, Nolo Lopez, Jex De Castro, Joselle Feliciano, Tricia Amper-Jimenez, at Alexa Kaufman sa kantang “Dahilan Ng Maligayang Pasko,” na tungkol sa pag-asa at saya na hatid ng pagdiriwang ng Pasko sa kabila ng maraming pagsubok.

Handog ng Star Music ng ABS-CBN at Reverb Worship ng CBN Asia, layunin nito na ipaalala sa mga tao na kahit may lungkot pa rin sa pagsalubong ng kapaskuhan dahil sa pandemya, magiging makahulugan pa rin ito kung itutuon ang atensyon sa totoong rason ng selebrasyon na si Hesus.

Napukaw naman ang mga puso ng mga netizen sa YouTube na napakinggan na ang “Dahilan Ng Maligayang Pasko” na isinulat at ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at inareglo ni Tommy Katigbak.

“Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang Pasko. I felt relief now. Thanks, Zephy, and to the other singers especially sa composer and production. You guys did a great job! Merry Christmas,” comment ni Jenny Ramos.

“Maligayang Pasko everyone… Thanks for this Christmas song, sarap ng vibes and dami new faces with beautiful voices… Mga angelic. Si Hesus ang dahilan,” ani Zsazsa Bayani.

Nitong 2021, nagsanib-pwersa din ang Star Music at Reverb Worship para sa kantang “Kumapit” na inawit ni Yeng Constantino, tungkol sa paniniwala sa Diyos sa harap ng mga problema.

Ipagdiwang ang Pasko nang may pag-asa at pakinggan ang “Dahilan Ng Maligayang Pasko” sa Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

iWantTFC nagpasiklab, ipinasilip ang star-studded originals sa 2022

Troy Laureta naglabas ng ‘Giliw’ album tampok sina Deborax Cox, Ruben Studdard, All-4-One atbp