in

Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada, magpapalitan ng katauhan sa pelikulang ‘Momshies! Ang Soul Mo’y Akin’

Limang taon mula nang maghasik ng kasiyahan, katatawanan at inspirasyon tuwing umaga sa ‘Magandang Buhay,’ magsasama-sama sa kauna-unahang pagkakataon sina Jolina Magdangal-Escueta, Melai Cantiveros at Karla Estrada sa pelikula. Ngunit ano nga bang mangyayari kung sila ay magkapalit-palit ng pagkatao?

Sa pelikulang ‘Momshies! Ang Soul Mo’y Akin!,’ iikot ang kwento sa tatlong momshies: sina Jolene (Jolina), Mylene (Melai) at Karlene (Karla) na mababago ang buhay nang magkapalit ang kanilang mga kaluluwa at katawan. Dahil dito, kailangan nilang mamuhay nang magkakasama sa kabila ng mga personal nilang misyon sa buhay. Si Karlene ay kailangang maisalba ang kanyang hotel sa tulong ng ibang negosyante ngunit walang naniniwala sa kanya dahil siya ay nasa katawan ni Mylene. Hindi naman maituloy ni Mylene ang kanyang application patungong Dubai dahil siya ay nasa katawan ni Jolene. Samantalang si Jolene na nasa katawan ni Karlene ay hindi maipagpatuloy ang pagiging isang influencer.

Paano nga kaya malalagpasan ng tatlo ang momshierrific na pagkakataong ito?

Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema at Keep Filming, ang ‘Momshies! Ang Soul Mo’y Akin’ ay idinirehe ni Easy Ferrer – ang kanyang kauna-unahang proyekto sa ABS-CBN Films bilang isang director. Sa mga nakalipas na taon, nagging assistant director si Ferrer sa mga pelikulang ‘Between Maybes,’ ‘The Ghost Bride,’ ‘Bloody Crayons,’ at ‘The Third Party.’

Habang ang ating mga sariling momshie ay patuloy na naaaliw sa bardagulan nina Jolina, Melai at Karla sa telebisyon tuwing umaga, pagkakataon na rin para i-level up ito sa pamamagitan ng pag-treat sa kanila ngayong Buwan ng Mga Ina sa Family Comedy Event ng Bagong Dekada, kasama ang mga popshie, mga anakshie, mga auntshie, at mga grandshie sa ating mga tahanan.

Simula ngayong Mayo 28, 2021, mapapanood ang ‘Momshies! Ang Soul Mo’y Akin’ sa KTX.ph at iWant TFC sa halagang Php249.00; sa SKY pay-per-view at Cignal pay-per-view sa halagang Php250.00, at maging sa TFC IPTV (para sa mga nasa ibang bansa) sa halagang US$4.99. Hatid ito sa atin ng Cinexpress.

Para sa iba pang updates, i-follow ang Star Cinema sa social media: facebook.com/starcinemaofficial, twitter.com/StarCinema, Instagram.com/starcinema, at youtube.com/ABSstarcinema.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ben&Ben magpapasiklab sa Virtual Concert

Klea Pineda, nagkajowa sa online shopping?