in

John Lloyd Cruz, nakipag-meeting na sa GMA Network exec!

Na-curious ang mga fans at netizens sa kung ano kaya ang pinag-usapan ng nagbabalik na aktor na si John Lloyd Cruz at GMA Films President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Annette Gozon-Valdes matapos kumalat online ang kanilang larawan na magkasama.

Mahigit isang linggo matapos ang TV comeback ni John Lloyd sa GMA, nakipag-meeting naman ito kasama ang GMA executive at si Direk Bobot Mortiz kagabi.

Excited na ngayon ang netizens na malaman ang iba pang detalye ng upcoming project ni Lloydie sa Kapuso Network. Kung ano man ito, tiyak na kaabang-abang para sa lahat. Manatiling nakatutok sa www.GMAnetwork.com para sa updates!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Joshua Garcia, makaka-chika nina Bianca Gonzales at MJ Felipe sa pagbabalik ng ‘Popcinema’

Dokyu ng ABS-CBN tungkol sa inaliping Lola sa Amerika, finalist sa NY Festivals