in

Jerry Yan at Shen Yue, mag-jowa na sa ‘Count Your Lucky Stars’

Matapos ang ilang tampuhan at selosan, mag-boyfriend at girlfriend na rin sa wakas sina Jerry Yan (Calvin Lu) at Shen Yue (Andi) sa “Count Your Lucky Stars,” na napapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nagkabati ang dalawa at nagkasundong i-level up ang kanilang relasyon nang maglakas loob si Andi na tanungin si Calvin kung mayroong namamagitan sa kanila ng katrabaho niyang si Alexa.

Ngayong magkasintahan na sila, nalaman na rin ni Andi ang dahilan kung bakit nagdalawang-isip muna si Calvin na sumali sa Fashion Cup. Isiniwalat na sa wakas ni Calvin ang trauma kung paano isinakripisyo ng kanyang ina ang buhay para sa kanya noong maaksidente sila habang papunta sa Fashion Cup noong bata pa siya.