in

Jennica Garcia, blooming sa taping ng ‘Las Hermanas’

Marami ang nakapansin na blooming at fresh ang dating ngayon ni Jennica Garcia mula sa kanyang pasilip na ‘morning look’ sa lock-in taping ng ‘Las Hermanas.’

“This is how my morning looks like ever since my lock-in taping in Pampanga started for GMA’s Las Hermanas,” post ni Jennica sa Instagram.

Kabi-kabila naman ang suportang natatanggap ni Jennica sa kanyang pagbabalik-showbiz matapos ang ilang taon. Komento ng isang netizen, “Wow. Balik ulit sa pag-arte keep on fighting and stay safe po.”