in

Janine Gutierrez, ipinasilip ang kanyang ‘new normal’ habang naka-lockdown

Sa latest vlog ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez, ipinasilip niya sa kanyang fans at followers ang mga pagbabago sa kanyang pamumuhay habang naka-quarantine na mag-isa sa kanyang condo.

Ayon kay Janine, marami siyang bagong natutunan na gawin katulad ng pagluluto, paglalaba at paglilinis ng kanyang bahay.

Nagkaroon din siya ng house tour sa kanyang condo at ibinahagi niyang nahihilig siya ngayon sa pag-aalaga ng mga halaman.

Kamakailan lang ay nakuha ni Janine ang Silver Play Button mula sa YouTube matapos makakuha ng 100,000 subscribers sa kanyang account.

Para mapanood ang kabuuan ng kanyang house tour, bisitahin lamang ang vlog ni Janine sa YouTube. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Virtual reunion ng cast ng ‘Ismol Family,’ ngayong Linggo na

Kapuso stars: “Balang araw babalik din sa normal ang lahat, kapit lang!”