in

Janella Salvador, napiling gumanap bilang Valentina sa ‘Darna’

Pinangalanan na ng ABS-CBN si Janella Salvador bilang aktres na gaganap bilang Valentina, ang dyosa ng mga ahas at pangunahing kontrabida sa inaabangang “Darna: The TV Series.”

Sa live #TheValentinaReveal na ipinalabas sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page nitong Biyernes (November 19), sorpresang ipinakilala si Janella bilang ang lawyer at vlogger na si Regina/ Valentina na may kaakibat na sumpa—ang mga makamandag na ahas sa ulo niya—at siyang magiging mortal na kaaway ng bidang superhero na si Darna na gagampanan ni Jane De Leon.

Ang pangunahing director ng serye na si Direk Chito S. Roño ang siya mismong pumili kay Janella mula sa mga talentadong aktres na nag-audition para sa mahalagang papel.


Abangan ang latest sa “Darna,” sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter @JRBcreativeprod at sa Instagram @JRBcreativeproduction.