in

Jake Ejercito, nagtapat na kay Janine Gutierrez sa ‘Marry Me, Marry You’

Nagpadala na sa bugso ng damdamin si Cedric (Jake Ejercito) pagkatapos niyang aminin kay Camille (Janine Gutierrez) ang lumalalim niyang pagtingin sa “Marry Me, Marry You,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nagulat si Camille sa biglaang pagtatapat ni Cedric ng kanyang damdamin. Bago pa nito, umamin din si Cedric sa best friend niyang si Andrei (Paulo Avelino) na mahal na niya si Camille kaya pumayag siyang lumipat sa bagong kumpanya nito upang makasama ang dalaga.

Habang susubukan ni Cedric na makuha ang loob ni Camille, naiinggit din siya sa relasyon nito kay Andrei dahil labis ang ipinapakitang pagmamalasakit ni Camille para rito. Abala kasi silang tatlo ngayon sa bagong kumpanya na itinayo ni Andrei para kalabanin ang ama nitong si Emilio (Edu Manzano).

Desidido na si Andrei na patunayan sa kanyang ama na kaya niyang maging matagumpay na negosyante pagkatapos siyang alisin sa kumpanya dahil sa pananabotahe ng step-mom niyang si Laviña (Teresa Loyzaga). Hindi lang ang reputasyon ni Andrei ang gustong sirain ni Laviña dahil plano rin nitong wasakin ang pamilya ng nanay ni Andrei na si Elvie (Cherry Pie Picache). Isiniwalat kasi ni Laviña sa pamilya ni Elvie ang matagal na nitong sikreto na totoong anak nito si Andrei at nagkaroon siya ng relasyon kay Emilio noon.

Mapapatawad pa kaya si Elvie ng kanyang pamilya? Magtagumpay kaya si Cedric sa panliligaw kay Camille?

Subaybayan ang “Marry Me, Marry You” gabi-gabi ng 9:25 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Marry Me, Marry You.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong kanta ng BGYO na ‘Kulay,’ umani ng halos 1 milyong views sa YouTube

Mobile Legends Heroes, magkaisa kaya laban sa kasamaan sa ‘Legends of Dawn: The Sacred Stone’?