in

Jake Cuenca at Ivana Alawi, tatawagin ang masasamang elemento sa ‘Sitsit’ ng iWant TFC

Nakakapangilabot na kababalaghan ang sasapitin nina Jake Cuenca at Ivana Alawi dahil sa pagnanasang magkapera at ibigin sa back-to-back horror films ng “Sitsit” series. Mapapanood na ito simula Oktubre 31 sa iWant TFC streaming service.

Hatid ng “Sitsit” ang magkaibang kwento ng “Scorpio” at “Aswang” tungkol sa dalawang taong mababalot ng kasamaan matapos nilang takasan ang masalimuot nilang mga buhay.

Sa “Scorpio,” gagampanan nina Jake at Dido Dela Paz si Danny, isang matandang photographer na natatakot mabuhay nang walang nagmamahal sa kanya. Dahil sa pagnanasa niya sa isang dalaga, iinom siya ng isang misteryosong gayuma na magpapabalik sa kanya sa pagkabinata para maakit niya ang babae.

Sa “Aswang” naman, makikilala si Joyce (Ivana), isang prostitute na madalas imaltrato ng kanyang mga kliyente pero pinipiling kumita ng pera para sa kanyang pamilya. Magbabago rin ang kanyang kapalaran nang makilala niya si Nala, isang asong sasamahan siya sa bawat problema at magbibigay sa kanya ng inaasam niyang buhay.

Ang “Sitsit” ay hango sa mga alamat na kapag sinundan ng isang tao ang misteryosong sitsit ay may mangyayaring masama. Bibigyang diin sa back-to-back movies ang mga elementong Pilipino na aswang at gayuma at kung paano nito maaapektuhan ang malalagim na karanasan nina Danny at Joyce.

Idinirek ni Ato Bautista ang “Scorpio,” habang ang “Aswang” ay idinirek ni Erin Pascual. Si Paulo Avelino rin ang isa sa producers ng “Aswang.”

Panoorin ang “Sitsit” sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com simula Oktubre 31. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista, paano kaya ang Christmas celebration ngayong taon?

BrightWin ng ‘2gether,’ makakasama ang Pinoy fans sa virtual fan meet ngayong Disyembre