in

‘It’s Showtime’ viewers, maaaring manalo sa bagong interactive game na ‘Madlang Pi-Poll’

Pwedeng makisagot sa mga tanong at manalo ng mga papremyo ang viewers habang nanonood sa bahay ng “It’s Showtime” sa pinakabagong interactive game segment nitong “Madlang Pi-Poll” ngayong Sabado (Hulyo 24).

Para makasali sa laro, mag-log in sa link o URL na ipapakita ng hosts sa screen habang nakatutok sa live segment. Isa-isang ipapakita ng hosts ang mga tanong habang sinasagutan naman ng home viewers ang mga ito sa kanilang laptop, computer, o mobile device.

Imbitado ang lahat ng Filipino citizen na kasalukuyang nanininirahan sa Pilipinas na 18 taong gulang at pataas, at may valid ID na sumali sa game.


Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.