in

‘I Can See Your Voice,’ nagbabalik; home viewers kasali na rin!

Nagbabalik-telebisyon ang paboritong mystery game show ng bansa na “I Can See Your Voice” at ng batikang host na si Luis Manzano kasama ang mas pinakwelang grupo ng investigators na magbibigay aliw at clues sa darating na Sabado (Enero 8).

Sa darating na weekend, unang sasabak sa hulaan ang mag-amang sina Janine at Monching Gutierrez sa pagkilatis kung sino ang see-nger at seen-tunado sa mga see-cret songer.

Samantala sa Linggo (Enero 9) masusubukan naman ang galing sa paghula nina Cherry Pie Picache at Vina Morales. Ito ang unang beses na nagkita si Luis at Cherry Pie matapos kinumpirma ni Edu Manzano ang kanyang relasyon sa “Marry Me, Marry You” star.