in

Gong Yoo at Park Bo Gum, magsasama sa pelikula sa unang pagkakataon sa ‘Seobok’

Isang tao. At isang clone.

Dalawa sa pinaka-malalaking artista sa Asya ang magsasama para iligtas ang sangkatauhan!

Dalawa sa pinaka-sikat na artista ng kanilang henerasyon: si Gong Yoo at Park Bo Gum ang magsasama sa pelikula sa unang pagkakataon, para sa Human Drama Movie na SEOBOK.

Isang dating Intelligence agent, si Ki-hun (Gong Yoo) na mag-isang namumuhay dahil sa trauma ang pinagkatiwalaan ng kanyang dating boss para sa isang secret mission: ang ilipat sa isang ligtas na lugar ang kauna-unahang human clone na si Seobok (Park Bo Gum). Ngunit masisira ang misyon sa pag-atake ng mga di-kilalang tao sa kanilang convoy.

Makakatakas sina Ki-hun at Seobok, ngunit marami silang problemang haharapin, lalo na’t unang beses makalabas ni Seobok sa totoong mundo, na buong buhay niya ay nakatira lang sa isang laboratoryo. Manghang-mangha si Seobok sa totoong mundo at gustong alamin ang maraming bagay, ngunit si Ki-hun ay gusto lamang na matapos niya agad ang kanyang misyon.

Iba-ibang grupo na may iba-ibang pakay ang hahabol kay Seobok, ang clone na magliligtas sa sangkatuhan, at siya ding pinakamalaking banta sa sangkatauhan. Maiipit si Ki-hun at Seobok ng mga kalaban, at kailangan nilang gumawa ng isang malaking desisyon.

Isa itong pambihirang pagsasama sa pelikula, at dahil nakita nila Gong Yoo at Park Bo Gum kung gaano ka-espesyal ang pelikulang SEOBOK, pinaghandaan nilang maigi ang kanilang mga role. Matinding pagbabawas ng timbang ang ginawa ni Gong Yoo para magampanan ang kanyang role bilang isang lalaking neurotic at may malalim na trauma, at takot sa nalalapit niyang kamatayan. Lahat ng emosyon na ito ay nagawa ni Gong Yoo, habang nakakapagbigay pa rin ng maa-aksyon na eksena bilang isang ex-agent.

Samantala, kakaibang Park Bo Gum naman ang makikita sa pagganap niya bilang isang human clone, na kailangang magpakita ng kamusmusan ng isang bata, at galit na parang sa isang hayop. Ipapakita ni Park Bo Gum ang kanyang ibang kakayahan bilang isang aktor.

Hatid ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment, panoorin ang kakaibang on-screen chemistry ni Gong Yoo at Park Bo Gum sa SEOBOK. Sumali na sa global premiere ng SEOBOK sa April 15. Panoorin ito sa mga multimedia platforms: ktx.ph, iWantTFC, SKY PPV sa halagang P250 at sa Vivamax.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net para mapanod ang SEOBOK. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan. Vivamax, atin ‘to!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

MiKel, effortless ang pagpapakilig

Love triangle nina Heart Evangelista, Paolo Contis at Richard Yap, kaabang-abang!